Exodus 37

Pagkatapos, gumawa sila ng apat na argolyang ginto, at ikinabit ito sa apat na paa ng mesa,

Exodus 37:13 (UKJV) And he cast for it four rings of gold, and put the rings upon the four corners that were in the four feet thereof.

11Binalutan ito ng purong ginto at nilagyan ng hinulmang ginto ang palibot nito.

12Nilagyan din nila ng sinepa ang bawat gilid. Mga apat na pulgada ang lapad at nilagyan din nila ng hinulmang ginto ang sinepa.

13Pagkatapos, gumawa sila ng apat na argolyang ginto, at ikinabit ito sa apat na paa ng mesa,

14malapit sa sinepa. Dito nila isinuksok ang mga tukod na pambuhat sa mesa.

15Gawa sa akasya ang mga tukod na ito at nababalot ng ginto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.