Exodus 37

Nilagyan nila ng purong ginto ang ibabaw nito, ang apat na gilid at ang parang sungay sa mga sulok at hinulmang ginto sa palibot.

Exodus 37:26 (UKJV) And he overlaid it with pure gold, both the top of it, and the sides thereof round about, and the horns of it: also he made unto it a crown of gold round about.

24Ang nagamit sa paggawa ng ilawan at ng lahat ng kagamitan nito ay tatlumpuʼt limang kilong purong ginto.

25Gumawa rin sila ng altar na akasya na pagsusunugan ng insenso. Kuwadrado ito, labingwalong pulgada ang haba at ang lapad, at tatlumpuʼt anim na pulgada ang taas. May parang sungay sa mga sulok nito na kaisang piraso ng altar.

26Nilagyan nila ng purong ginto ang ibabaw nito, ang apat na gilid at ang parang sungay sa mga sulok at hinulmang ginto sa palibot.

27Nilagyan nila ng dalawang argolyang ginto ang ilalim ng hinulmang ginto sa magkabilang gilid ng altar, upang pagsuksukan ng mga tukod na pambuhat dito.

28Ang tukod ay gawa sa kahoy ng akasya at binalutan ng ginto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.