Exodus 37

Gumawa rin sila ng altar na akasya na pagsusunugan ng insenso. Kuwadrado ito, labingwalong pulgada ang haba at ang lapad, at tatlumpuʼt anim na pulgada ang taas. May parang sungay sa mga sulok nito na kaisang piraso ng altar.

Exodus 37:25 (UKJV) And he made the incense altar of shittim wood: the length of it was a cubit, and the breadth of it a cubit; it was foursquare; and two cubits was the height of it; the horns thereof were of the same.

23Gumawa rin sila ng pitong ilaw, mga panggupit ng mitsa nito, at mga pansahod sa upos ng mitsa ng ilaw. Purong ginto ang lahat ng ito.

24Ang nagamit sa paggawa ng ilawan at ng lahat ng kagamitan nito ay tatlumpuʼt limang kilong purong ginto.

25Gumawa rin sila ng altar na akasya na pagsusunugan ng insenso. Kuwadrado ito, labingwalong pulgada ang haba at ang lapad, at tatlumpuʼt anim na pulgada ang taas. May parang sungay sa mga sulok nito na kaisang piraso ng altar.

26Nilagyan nila ng purong ginto ang ibabaw nito, ang apat na gilid at ang parang sungay sa mga sulok at hinulmang ginto sa palibot.

27Nilagyan nila ng dalawang argolyang ginto ang ilalim ng hinulmang ginto sa magkabilang gilid ng altar, upang pagsuksukan ng mga tukod na pambuhat dito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.