Exodus 37

Inilagay niya ang isang kerubin sa isang dulo at ang isa naman sa kabilang dulo. Ginawa niya ang mga kerubin na kaisang piraso ng takip sa magkabilang dulo nito.

Exodus 37:8 (UKJV) One cherub on the end on this side, and another cherub on the other end on that side: out of the mercy seat made he the cherubims on the two ends thereof.

6Ginawa rin niya ang takip ng kapatawaran gamit ang purong ginto, apatnapuʼt limang pulgada ang haba at dalawampuʼt pitong pulgada ang lapad.

7Gumawa rin siya ng dalawang gintong kerubin gamit ang pinanday na ginto, at inilagay sa bawat dulo ng takip.

8Inilagay niya ang isang kerubin sa isang dulo at ang isa naman sa kabilang dulo. Ginawa niya ang mga kerubin na kaisang piraso ng takip sa magkabilang dulo nito.

9Nakabukang paitaas ang mga pakpak ng mga kerubin na nakalukob sa takip. Magkaharap ang dalawang kerubin at nakatingin sa takip.

10Gumawa rin sila ng mesang akasya na tatlumpuʼt anim na pulgada ang haba, labingwalong pulgada ang lapad, at dalawampuʼt pitong pulgada ang taas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.