Exodus 38

Ikinabit nila ang kurtina sa dalawampung haliging tanso na nakasuksok din sa dalawampung patungang tanso. Ang kinabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

Exodus 38:10 (UKJV) Their pillars were twenty, and their brazen sockets twenty; the hooks of the pillars and their fillets were of silver.

8Pagkatapos, gumawa sila ng tansong palanggana. Ang patungan nito ay tanso rin. Ang mga tansong ginamit dito ay galing sa salamin ng mga babaeng naglilingkod sa pintuan ng Tabernakulo.

9Ginawa nila ang bakuran ang Tabernakulo, at pinalibutan ito ng mga kurtinang hinabing pinong lino. Ang haba ng kurtina sa bandang timog ay 150 talampakan.

10Ikinabit nila ang kurtina sa dalawampung haliging tanso na nakasuksok din sa dalawampung patungang tanso. Ang kinabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

11Ang kurtina sa bandang hilaga ay 150 talampakan din ang haba at nakakabit ito sa dalawampung haliging tanso na nakasuksok sa dalawampung patungang tanso. Ang pinagkakabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

12Ang kurtina sa bandang kanluran ay pitumpuʼt limang talampakan ang haba, at nakakabit ito sa sampung haligi na nakasuksok naman sa sampung patungan. Ang pinagkakabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.