Exodus 38

Ang kurtina sa bandang kanluran ay pitumpuʼt limang talampakan ang haba, at nakakabit ito sa sampung haligi na nakasuksok naman sa sampung patungan. Ang pinagkakabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

Exodus 38:12 (UKJV) And for the west side were hangings of fifty cubits, their pillars ten, and their sockets ten; the hooks of the pillars and their fillets of silver.

10Ikinabit nila ang kurtina sa dalawampung haliging tanso na nakasuksok din sa dalawampung patungang tanso. Ang kinabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

11Ang kurtina sa bandang hilaga ay 150 talampakan din ang haba at nakakabit ito sa dalawampung haliging tanso na nakasuksok sa dalawampung patungang tanso. Ang pinagkakabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

12Ang kurtina sa bandang kanluran ay pitumpuʼt limang talampakan ang haba, at nakakabit ito sa sampung haligi na nakasuksok naman sa sampung patungan. Ang pinagkakabitan ng kurtina ay ang mga kawit na pilak na nakakabit sa mga baras na pilak sa mga haligi.

13Ang kurtina sa bandang silangan ay pitumpuʼt limang talampakan ang haba.

14Ang pintuan ng bakuran ay nasa silangan, at may mga kurtina ito sa gilid. Ang kurtina sa kanan ay dalawampuʼt dalawa at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit ito sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring patungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.