Exodus 38

Tanso ang patungan ng mga haligi, at pilak naman ang mga kawit, at mga baras nito. Ang mga ulo ng haligi ay nababalutan ng pilak. Ang lahat ng haligi sa palibot ng bakuran ay may baras na pilak.

Exodus 38:17 (UKJV) And the sockets for the pillars were of brass; the hooks of the pillars and their fillets of silver; and the overlaying of their capitals of silver; and all the pillars of the court were filleted with silver.

15Ang kurtina sa kaliwa ay dalawampuʼt dalawa at kalahating talampakan ang haba, at nakakabit ito sa tatlong haligi na nakasuksok sa tatlo ring patungan.

16Ang lahat ng kurtina sa palibot ng bakuran ay gawa sa hinabing pinong lino.

17Tanso ang patungan ng mga haligi, at pilak naman ang mga kawit, at mga baras nito. Ang mga ulo ng haligi ay nababalutan ng pilak. Ang lahat ng haligi sa palibot ng bakuran ay may baras na pilak.

18Ang kurtina ng pintuan ng bakuran ay gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube, at pula. At napakaganda ng pagkakaburda nito. Ang haba nitoʼy 30 talampakan at pitoʼt kalahating talampakan ang taas, katulad ng taas ng mga kurtina na nakapalibot sa bakuran.

19Ang kurtinang itoʼy nakakabit sa apat na haligi na nakasuksok naman sa apat na patungan. Nababalutan ng pilak ang mga kawit at mga baras ng mga haligi at ang mga ulo nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.