Exodus 39

Pagkatapos, tinahi nila ng asul na panali ang ilalim ng mga parang singsing sa pektoral at ang mga parang singsing sa efod. Sa pamamagitan nito, mapapagdugtong nang maayos ang mga parang singsing sa pektoral at sa efod, sa itaas ng sinturon. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Exodus 39:21 (UKJV) And they did bind the breastplate by his rings unto the rings of the ephod with a lace of blue, that it might be above the curious girdle of the ephod, and that the breastplate might not be loosed from the ephod; as the LORD commanded Moses.

19Gumawa rin sila ng dalawa pang parang mga singsing na ginto at isinuot ito sa ilalim ng mga gilid ng pektoral na nakapatong sa efod.

20Gumawa pa rin sila ng dalawa pang parang singsing na ginto at ikabit nila ito sa efod sa may bandang sinturon.

21Pagkatapos, tinahi nila ng asul na panali ang ilalim ng mga parang singsing sa pektoral at ang mga parang singsing sa efod. Sa pamamagitan nito, mapapagdugtong nang maayos ang mga parang singsing sa pektoral at sa efod, sa itaas ng sinturon. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

22Ginawa nila ang balabal ng efod gamit ang hinabing lana na purong asul,

23at may butas sa gitna para sa ulo. Hinabi ang palibot ng butas na ito na parang kuwelyo upang hindi ito mapunit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.