27Gumawa rin sila ng panloob na mga damit para kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Hinabing pinong lino ang tela na kanilang ginamit.
28Ganito rin ang telang ginamit nila sa paggawa ng mga turban, mga panali sa ulo at panloob na mga damit.
29Ang mga sinturon ay gawa rin sa hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula. At napakaganda ng pagkakaburda nito. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
30Gumawa sila ng palamuting purong ginto at iniukit nila ang mga salitang ito, katulad ng pagkakaukit sa pantatak: Ibinukod para sa Panginoon.
31Itinali nila ito sa harap ng turban sa pamamagitan ng asul na panali. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.