Exodus 39

Natapos ang lahat ng gawain sa Tabernakulo na tinatawag ding Toldang Tipanan. Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Exodus 39:32 (UKJV) Thus was all the work of the tabernacle of the tent of the congregation finished: and the children of Israel did according to all that the LORD commanded Moses, so did they.

30Gumawa sila ng palamuting purong ginto at iniukit nila ang mga salitang ito, katulad ng pagkakaukit sa pantatak: Ibinukod para sa Panginoon.

31Itinali nila ito sa harap ng turban sa pamamagitan ng asul na panali. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

32Natapos ang lahat ng gawain sa Tabernakulo na tinatawag ding Toldang Tipanan. Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

33Ipinakita nila kay Moises ang Tabernakulo at ang lahat ng kagamitan nito: ang mga kawit, balangkas, biga, haligi, patungan,

34ang pantaklob na gawa sa balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, ang pantaklob na gawa sa magandang klase ng balat, ang mga kurtina;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.