Exodus 4

Ngunit sinabi ni Moises, “O Panginoon, kung maaari po magpadala na lang kayo ng iba.”

Exodus 4:13 (UKJV) And he said, O my LORD, send, I pray you, by the hand of him whom you will send.

11Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Sino ba ang lumikha ng bibig ng tao? Sino ba ang may kakayahang gawing bingi o pipi ang tao? Sino ba ang nagdedesisyon na makakita o mabulag sila? Hindi ba ako, na Panginoon?

12Kaya lumakad ka, dahil tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko sa iyo ang mga sasabihin mo.”

13Ngunit sinabi ni Moises, “O Panginoon, kung maaari po magpadala na lang kayo ng iba.”

14Nagalit nang matindi ang Panginoon kay Moises. Kaya sinabi niya, “O sige, si Aaron na lang na kapatid mo, na isang Levita ang siyang magsasalita para sa iyo. Alam kong mahusay siyang magsalita. Papunta na siya rito makipagkita sa iyo. Matutuwa siyang makita ka.

15Kausapin mo siya at turuan kung ano ang kanyang sasabihin. Tutulungan ko kayong dalawa sa pagsasalita, at tuturuan ko rin kayo kung ano ang gagawin ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.