Exodus 4

Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Sino ba ang lumikha ng bibig ng tao? Sino ba ang may kakayahang gawing bingi o pipi ang tao? Sino ba ang nagdedesisyon na makakita o mabulag sila? Hindi ba ako, na Panginoon?

Exodus 4:11 (UKJV) And the LORD said unto him, Who has made man's mouth? or who makes the dumb, or deaf, or the seeing, or the blind? have not I the LORD?

9Ngunit kung hindi pa rin sila maniwala sa iyo pagkatapos ng dalawang himala, kumuha ka ng tubig sa Ilog Nilo at ibuhos mo ito sa tuyong lupa, at magiging dugo ito.”

10Sinabi ni Moises, “Panginoon, hindi po ako magaling magsalita. Mula pa man noon, hirap na ako sa pagsasalita, kahit na ngayong nakikipag-usap kayo sa akin. Pautal-utal ako kapag nagsasalita.”

11Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Sino ba ang lumikha ng bibig ng tao? Sino ba ang may kakayahang gawing bingi o pipi ang tao? Sino ba ang nagdedesisyon na makakita o mabulag sila? Hindi ba ako, na Panginoon?

12Kaya lumakad ka, dahil tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko sa iyo ang mga sasabihin mo.”

13Ngunit sinabi ni Moises, “O Panginoon, kung maaari po magpadala na lang kayo ng iba.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.