25Ngunit kumuha si Zipora ng matalim na batong gawa sa bato at tinuli ang kanyang anak, at idinikit niya sa paa ni Moises ang naputol na balat. At sinabi niya, “Totoong ikaw ay asawa ko na sa dugo.”
26(Ang sinabi niya ay may kaugnayan sa dugo ng pagtutuli.) Kaya hindi pinatay ng Panginoon si Moises.
27Samantala, sinabi ng Panginoon kay Aaron, “Lumakad ka at salubungin si Moises sa disyerto.” Kaya sinalubong niya si Moises sa Bundok ng Diyos at hinagkan bilang pagbati.
28Sinabi ni Moises kay Aaron ang lahat ng iniutos ng Panginoon na sabihin niya, at ang lahat ng himalang iniutos ng Panginoon na gawin niya.
29Kaya lumakad ang dalawa, at tinipon ang lahat ng pinuno ng Israel.