15Buhusan mo rin sila ng langis gaya ng ginawa mo sa kanilang ama, upang makapaglingkod din sila sa akin bilang mga pari sa lahat ng susunod pang mga henerasyon.”
16Ginawa ni Moises ang lahat ng iniutos sa kanya ng Panginoon.
17Kaya itinayo ang Tabernakulo noong unang araw ng unang buwan. Ikalawang taon iyon nang paglabas nila ng Ehipto.
18Ganito itinayo ni Moises ang Tolda: Inilagay niya ang mga patungan, balangkas, biga, at haligi.
19Inilatag niya ang Tolda at pinatungan niya ng pantaklob ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.