Exodus 5

Ngunit kailangang ganoon pa rin kadaming tisa ang gagawin nila. Mga tamad sila, iyan ang dahilan na nakikiusap silang paalisin ko sila upang makapaghandog sa kanilang Diyos.

Exodus 5:8 (UKJV) And the tale of the bricks, which they did make in time past, all of you shall lay upon them; all of you shall not diminish ought thereof: for they be idle; therefore they cry, saying, Let us go and sacrifice to our God.

6Nang araw na iyon, nag-utos ang Faraon sa mga Ehipsiyong namamahala sa mga Israelita sa trabaho at sa mga kapatas na Israelita. Sinabi niya,

7“Hindi na kayo magbibigay sa mga trabahador ng mga dayaming gagamitin sa paggawa ng tisa, kundi sila na mismo ang maghahanap nito.

8Ngunit kailangang ganoon pa rin kadaming tisa ang gagawin nila. Mga tamad sila, iyan ang dahilan na nakikiusap silang paalisin ko sila upang makapaghandog sa kanilang Diyos.

9Pagtrabahuhin pa ninyo sila nang matindi upang lalo silang maging abala at mawalan ng panahong makinig sa mga kasinungalingan.”

10Kaya pinuntahan nila ang mga Israelita at sinabi, “Nag-utos ang Faraon na hindi na namin kayo bibigyan ng dayami.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.