Exodus 5

Pagtrabahuhin pa ninyo sila nang matindi upang lalo silang maging abala at mawalan ng panahong makinig sa mga kasinungalingan.”

Exodus 5:9 (UKJV) Let there more work be laid upon the men, that they may labour therein; and let them not regard vain words.

7“Hindi na kayo magbibigay sa mga trabahador ng mga dayaming gagamitin sa paggawa ng tisa, kundi sila na mismo ang maghahanap nito.

8Ngunit kailangang ganoon pa rin kadaming tisa ang gagawin nila. Mga tamad sila, iyan ang dahilan na nakikiusap silang paalisin ko sila upang makapaghandog sa kanilang Diyos.

9Pagtrabahuhin pa ninyo sila nang matindi upang lalo silang maging abala at mawalan ng panahong makinig sa mga kasinungalingan.”

10Kaya pinuntahan nila ang mga Israelita at sinabi, “Nag-utos ang Faraon na hindi na namin kayo bibigyan ng dayami.

11Kayo na ang maghahanap nito kahit saan, pero ganoon pa rin kadaming tisa ang gagawin ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.