8Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
9“Kapag sinabi ng Faraon na gumawa kayo ng himala, sabihin mo Moises kay Aaron, ‘Ihagis mo ang tungkod sa harap ng Faraon,’ at magiging ahas ito.”
10Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Faraon at ginawa ang sinabi ng Panginoon. Inihagis ni Aaron ang tungkod niya sa harap ng Faraon at ng kanyang mga opisyal, at naging ahas ito.
11Ipinatawag naman ng Faraon ang kanyang matatalinong tao at mga salamangkero. Sa pamamagitan ng kanilang salamangka, nagawa rin nila ang ganoong himala.
12Inihagis ng bawat isa sa kanila ang mga tungkod nila at naging ahas din ang mga ito. Ngunit nilunok ng ahas ni Aaron ang mga ahas nila.