Exodus 7

Inihagis ng bawat isa sa kanila ang mga tungkod nila at naging ahas din ang mga ito. Ngunit nilunok ng ahas ni Aaron ang mga ahas nila.

Exodus 7:12 (UKJV) For they cast down every man his rod, and they became serpents: but Aaron's rod swallowed up their rods.

10Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Faraon at ginawa ang sinabi ng Panginoon. Inihagis ni Aaron ang tungkod niya sa harap ng Faraon at ng kanyang mga opisyal, at naging ahas ito.

11Ipinatawag naman ng Faraon ang kanyang matatalinong tao at mga salamangkero. Sa pamamagitan ng kanilang salamangka, nagawa rin nila ang ganoong himala.

12Inihagis ng bawat isa sa kanila ang mga tungkod nila at naging ahas din ang mga ito. Ngunit nilunok ng ahas ni Aaron ang mga ahas nila.

13Ngunit nagmatigas pa rin ang puso ng Faraon at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, gaya na rin ng sinabi ng Panginoon.

14Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Matigas pa rin ang puso ng Faraon; ayaw pa rin niyang umalis ang mga Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.