Exodus 7

Ngunit nagmatigas pa rin ang puso ng Faraon at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, gaya na rin ng sinabi ng Panginoon.

Exodus 7:13 (UKJV) And he hardened Pharaoh's heart, that he hearkened not unto them; as the LORD had said.

11Ipinatawag naman ng Faraon ang kanyang matatalinong tao at mga salamangkero. Sa pamamagitan ng kanilang salamangka, nagawa rin nila ang ganoong himala.

12Inihagis ng bawat isa sa kanila ang mga tungkod nila at naging ahas din ang mga ito. Ngunit nilunok ng ahas ni Aaron ang mga ahas nila.

13Ngunit nagmatigas pa rin ang puso ng Faraon at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, gaya na rin ng sinabi ng Panginoon.

14Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Matigas pa rin ang puso ng Faraon; ayaw pa rin niyang umalis ang mga Israelita.

15Kaya puntahan mo bukas ng umaga ang Faraon habang papunta siya sa Ilog Nilo. Dalhin mo ang tungkod na naging ahas at makipagkita ka sa kanya sa pampang ng ilog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.