12Inihagis ng bawat isa sa kanila ang mga tungkod nila at naging ahas din ang mga ito. Ngunit nilunok ng ahas ni Aaron ang mga ahas nila.
13Ngunit nagmatigas pa rin ang puso ng Faraon at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, gaya na rin ng sinabi ng Panginoon.
14Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Matigas pa rin ang puso ng Faraon; ayaw pa rin niyang umalis ang mga Israelita.
15Kaya puntahan mo bukas ng umaga ang Faraon habang papunta siya sa Ilog Nilo. Dalhin mo ang tungkod na naging ahas at makipagkita ka sa kanya sa pampang ng ilog.
16Sabihin mo sa kanya, ‘Inutusan po ako ng Panginoon, ang Diyos ng mga Hebreo, na sabihin ito sa inyo: Paalisin mo ang mamamayan ko upang makasamba sila sa akin sa ilang. Ngunit hanggang ngayon, hindi mo ito sinusunod.