Exodus 7

Kaya puntahan mo bukas ng umaga ang Faraon habang papunta siya sa Ilog Nilo. Dalhin mo ang tungkod na naging ahas at makipagkita ka sa kanya sa pampang ng ilog.

Exodus 7:15 (UKJV) Get you unto Pharaoh in the morning; lo, he goes out unto the water; and you shall stand by the river's brink meeting him; and the rod which was turned to a serpent shall you take in yours hand.

13Ngunit nagmatigas pa rin ang puso ng Faraon at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, gaya na rin ng sinabi ng Panginoon.

14Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Matigas pa rin ang puso ng Faraon; ayaw pa rin niyang umalis ang mga Israelita.

15Kaya puntahan mo bukas ng umaga ang Faraon habang papunta siya sa Ilog Nilo. Dalhin mo ang tungkod na naging ahas at makipagkita ka sa kanya sa pampang ng ilog.

16Sabihin mo sa kanya, ‘Inutusan po ako ng Panginoon, ang Diyos ng mga Hebreo, na sabihin ito sa inyo: Paalisin mo ang mamamayan ko upang makasamba sila sa akin sa ilang. Ngunit hanggang ngayon, hindi mo ito sinusunod.

17Ito nga sinasabi ng Panginoon: Sa pamamagitan ng aking gagawin, malalaman mo na ako ang Panginoon. Sa pamamagitan ng tungkod na ito, hahampasin ko ang tubig ng Nilo at magiging dugo ang tubig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.