Exodus 7

Sabihin mo sa kanya, ‘Inutusan po ako ng Panginoon, ang Diyos ng mga Hebreo, na sabihin ito sa inyo: Paalisin mo ang mamamayan ko upang makasamba sila sa akin sa ilang. Ngunit hanggang ngayon, hindi mo ito sinusunod.

Exodus 7:16 (UKJV) And you shall say unto him, The LORD God of the Hebrews has sent me unto you, saying, Let my people go, that they may serve me in the wilderness: and, behold, until now you would not hear.

14Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Matigas pa rin ang puso ng Faraon; ayaw pa rin niyang umalis ang mga Israelita.

15Kaya puntahan mo bukas ng umaga ang Faraon habang papunta siya sa Ilog Nilo. Dalhin mo ang tungkod na naging ahas at makipagkita ka sa kanya sa pampang ng ilog.

16Sabihin mo sa kanya, ‘Inutusan po ako ng Panginoon, ang Diyos ng mga Hebreo, na sabihin ito sa inyo: Paalisin mo ang mamamayan ko upang makasamba sila sa akin sa ilang. Ngunit hanggang ngayon, hindi mo ito sinusunod.

17Ito nga sinasabi ng Panginoon: Sa pamamagitan ng aking gagawin, malalaman mo na ako ang Panginoon. Sa pamamagitan ng tungkod na ito, hahampasin ko ang tubig ng Nilo at magiging dugo ang tubig.

18Mamamatay ang mga isda at babaho ito. Sa gayun, hindi na maiinom ng mga Ehipsiyo ang tubig ng Nilo.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.