Exodus 7

Bumalik ang Faraon sa palasyo niya at hindi pinansin ang nangyari.

Exodus 7:23 (UKJV) And Pharaoh turned and went into his house, neither did he set his heart to this also.

21Namatay ang mga isda at bumaho ang ilog kaya hindi ito mainom ng mga Ehipsiyo. Lahat ng tubig sa buong Ehipto ay naging dugo rin.

22Ngunit nagawa rin ito ng mga Ehipsiyong salamangkero sa pamamagitan ng kanilang salamangka, kaya nagmatigas pa rin ang puso ng Faraon. Hindi pa rin siya nakinig kila Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.

23Bumalik ang Faraon sa palasyo niya at hindi pinansin ang nangyari.

24Naghukay ang mga Ehipsiyo sa palibot ng Ilog Nilo upang makakuha ng tubig na maiinom dahil hindi nila mainom ang tubig sa ilog.

25Pagkaraan ng pitong araw mula nang hampasin ng Panginoon ang Ilog Nilo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.