Exodus 7

Ngunit nagawa rin ito ng mga Ehipsiyong salamangkero sa pamamagitan ng kanilang salamangka, kaya nagmatigas pa rin ang puso ng Faraon. Hindi pa rin siya nakinig kila Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.

Exodus 7:22 (UKJV) And the magicians of Egypt did so with their enchantments: and Pharaoh's heart was hardened, neither did he hearken unto them; as the LORD had said.

20Sinunod nila Moises at Aaron ang iniutos ng Panginoon. Habang nakatingin ang Faraon at ang kanyang mga opisyal, itinaas ni Aaron ang kanyang tungkod at hinampas ang Ilog ng Nilo, at naging dugo ang tubig.

21Namatay ang mga isda at bumaho ang ilog kaya hindi ito mainom ng mga Ehipsiyo. Lahat ng tubig sa buong Ehipto ay naging dugo rin.

22Ngunit nagawa rin ito ng mga Ehipsiyong salamangkero sa pamamagitan ng kanilang salamangka, kaya nagmatigas pa rin ang puso ng Faraon. Hindi pa rin siya nakinig kila Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.

23Bumalik ang Faraon sa palasyo niya at hindi pinansin ang nangyari.

24Naghukay ang mga Ehipsiyo sa palibot ng Ilog Nilo upang makakuha ng tubig na maiinom dahil hindi nila mainom ang tubig sa ilog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.