Exodus 7

Sinunod nila Moises at Aaron ang iniutos ng Panginoon. Habang nakatingin ang Faraon at ang kanyang mga opisyal, itinaas ni Aaron ang kanyang tungkod at hinampas ang Ilog ng Nilo, at naging dugo ang tubig.

Exodus 7:20 (UKJV) And Moses and Aaron did so, as the LORD commanded; and he lifted up the rod, and stroke the waters that were in the river, in the sight of Pharaoh, and in the sight of his servants; and all the waters that were in the river were turned to blood.

18Mamamatay ang mga isda at babaho ito. Sa gayun, hindi na maiinom ng mga Ehipsiyo ang tubig ng Nilo.’ ”

19Sinabi pa ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na iunat niya ang kanyang tungkod sa lahat ng tubig sa Ehipto: sa mga ilog, sapa, kanal at sa lahat ng pinag-iipunan ng tubig, at magiging dugo ang lahat ng ito. Ganito ang mangyayari sa buong lupain ng Ehipto. Kahit na ang mga tubig sa mga sisidlang kahoy o bato ay magiging dugo.”

20Sinunod nila Moises at Aaron ang iniutos ng Panginoon. Habang nakatingin ang Faraon at ang kanyang mga opisyal, itinaas ni Aaron ang kanyang tungkod at hinampas ang Ilog ng Nilo, at naging dugo ang tubig.

21Namatay ang mga isda at bumaho ang ilog kaya hindi ito mainom ng mga Ehipsiyo. Lahat ng tubig sa buong Ehipto ay naging dugo rin.

22Ngunit nagawa rin ito ng mga Ehipsiyong salamangkero sa pamamagitan ng kanilang salamangka, kaya nagmatigas pa rin ang puso ng Faraon. Hindi pa rin siya nakinig kila Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.