Exodus 7

Sinabi pa ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na iunat niya ang kanyang tungkod sa lahat ng tubig sa Ehipto: sa mga ilog, sapa, kanal at sa lahat ng pinag-iipunan ng tubig, at magiging dugo ang lahat ng ito. Ganito ang mangyayari sa buong lupain ng Ehipto. Kahit na ang mga tubig sa mga sisidlang kahoy o bato ay magiging dugo.”

Exodus 7:19 (UKJV) And the LORD spoke unto Moses, Say unto Aaron, Take your rod, and stretch out yours hand upon the waters of Egypt, upon their streams, upon their rivers, and upon their ponds, and upon all their pools of water, that they may become blood; and that there may be blood throughout all the land of Egypt, both in vessels of wood, and in vessels of stone.

17Ito nga sinasabi ng Panginoon: Sa pamamagitan ng aking gagawin, malalaman mo na ako ang Panginoon. Sa pamamagitan ng tungkod na ito, hahampasin ko ang tubig ng Nilo at magiging dugo ang tubig.

18Mamamatay ang mga isda at babaho ito. Sa gayun, hindi na maiinom ng mga Ehipsiyo ang tubig ng Nilo.’ ”

19Sinabi pa ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na iunat niya ang kanyang tungkod sa lahat ng tubig sa Ehipto: sa mga ilog, sapa, kanal at sa lahat ng pinag-iipunan ng tubig, at magiging dugo ang lahat ng ito. Ganito ang mangyayari sa buong lupain ng Ehipto. Kahit na ang mga tubig sa mga sisidlang kahoy o bato ay magiging dugo.”

20Sinunod nila Moises at Aaron ang iniutos ng Panginoon. Habang nakatingin ang Faraon at ang kanyang mga opisyal, itinaas ni Aaron ang kanyang tungkod at hinampas ang Ilog ng Nilo, at naging dugo ang tubig.

21Namatay ang mga isda at bumaho ang ilog kaya hindi ito mainom ng mga Ehipsiyo. Lahat ng tubig sa buong Ehipto ay naging dugo rin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.