Exodus 8

“ ‘Ngunit hindi ito mararanasan sa lupain ng Goshen kung saan naninirahan ang aking mga mamamayan; hindi dadapo ang mga langaw sa lugar na iyon, upang malaman nila na akong Panginoon ay nasa lupaing iyon.

Exodus 8:22 (UKJV) And I will sever in that day the land of Goshen, in which my people dwell, that no swarms of flies shall be there; to the end you may know that I am the LORD in the midst of the earth.

20Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bumangon ka nang maaga bukas at abangan mo ang Faraon habang papunta siya sa ilog. Sabihin mo sa kanya na ito ang sinasabi ko, ‘Paalisin mo ang aking mga mamamayan upang makasamba sila sa akin.

21Kung hindi mo sila paaalisin, padadalhan kita ng maraming langaw, pati na ang mga opisyal at mga mamamayan mo. Mapupuno ng mga langaw ang mga bahay ninyo, at matatabunan ng mga ito ang lupa.

22“ ‘Ngunit hindi ito mararanasan sa lupain ng Goshen kung saan naninirahan ang aking mga mamamayan; hindi dadapo ang mga langaw sa lugar na iyon, upang malaman nila na akong Panginoon ay nasa lupaing iyon.

23Hindi magiging pareho ang trato ko sa aking mga mamamayan at sa iyong mga mamamayan. Ang himalang ito ay mangyayari bukas.’ ”

24Nagpadala nga ang Panginoon ng maraming langaw sa palasyo ng Faraon at sa mga bahay ng kanyang mga opisyal, at naminsala ang mga ito sa buong lupain ng Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.