Exodus 8

Mapupuno ng palaka ang Ilog Nilo at papasok ito sa palasyo mo, sa kuwarto at kahit sa higaan mo. Papasok din ang mga ito sa bahay ng mga opisyal at mga mamamayan mo, at pati sa mga pugon at sa pinagmamasahan ng harina.

Exodus 8:3 (UKJV) And the river shall bring forth frogs abundantly, which shall go up and come into yours house, and into your bedchamber, and upon your bed, and into the house of your servants, and upon your people, and into yours ovens, and into your kneading troughs:

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Puntahan mo ang Faraon at sabihin mo sa kanya, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Paalisin mo ang aking mga mamamayan upang makasamba sila sa akin.

2Kung hindi mo sila paaalisin, pupunuin ko ng mga palaka ang iyong bansa.

3Mapupuno ng palaka ang Ilog Nilo at papasok ito sa palasyo mo, sa kuwarto at kahit sa higaan mo. Papasok din ang mga ito sa bahay ng mga opisyal at mga mamamayan mo, at pati sa mga pugon at sa pinagmamasahan ng harina.

4Tatalunan ka ng mga palaka pati na ang mga mamamayan at ang lahat ng opisyal mo.’ ”

5Sinabi pa ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na iunat niya ang kanyang tungkod sa mga ilog, sapa, at mga kanal, at mapupuno ng palaka ang buong Ehipto.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.