3Mapupuno ng palaka ang Ilog Nilo at papasok ito sa palasyo mo, sa kuwarto at kahit sa higaan mo. Papasok din ang mga ito sa bahay ng mga opisyal at mga mamamayan mo, at pati sa mga pugon at sa pinagmamasahan ng harina.
4Tatalunan ka ng mga palaka pati na ang mga mamamayan at ang lahat ng opisyal mo.’ ”
5Sinabi pa ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na iunat niya ang kanyang tungkod sa mga ilog, sapa, at mga kanal, at mapupuno ng palaka ang buong Ehipto.”
6Kaya iniunat ni Aaron ang kanyang tungkod sa mga tubig ng Ehipto, at lumabas ang mga palaka at napuno ang buong Ehipto.
7Ngunit ginawa rin ito ng mga salamangkero sa pamamagitan ng kanilang salamangka. Nakapagpaahon din sila ng mga palaka sa lupain ng Ehipto.