5Sinabi pa ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na iunat niya ang kanyang tungkod sa mga ilog, sapa, at mga kanal, at mapupuno ng palaka ang buong Ehipto.”
6Kaya iniunat ni Aaron ang kanyang tungkod sa mga tubig ng Ehipto, at lumabas ang mga palaka at napuno ang buong Ehipto.
7Ngunit ginawa rin ito ng mga salamangkero sa pamamagitan ng kanilang salamangka. Nakapagpaahon din sila ng mga palaka sa lupain ng Ehipto.
8Ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron, at sinabi sa kanila, “Manalangin kayo sa Panginoon na tanggalin niya ang mga palakang ito sa aking bansa, at paaalisin ko ang mga kababayan nʼyo upang makapaghandog sila sa Panginoon.”
9Sinabi ni Moises sa Faraon, “Sabihin mo sa akin kung kailan ako mananalangin para sa inyo, sa mga opisyal at sa mga mamamayan mo, upang mawala ang mga palakang ito sa inyo at sa mga bahay ninyo. At ang matitira na lang na palaka ay ang mga nasa Ilog Nilo.”