1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Puntahan mo ang Faraon at sabihin sa kanya, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng mga Hebreo: Paalisin mo ang aking mga mamamayan upang makasamba sila sa akin.
2Kung hindi mo sila paaalisin,
3padadalhan ko ng nakamamatay na sakit ang mga hayop mo na nasa bukid – kabayo, asno, kamelyo, baka, tupa at kambing.