Exodus 9

Dahil kung hindi, magpapadala ako ng matinding salot na magpaparusa sa iyo, sa mga opisyal at mga mamamayan mo upang malaman mo na wala akong katulad sa buong mundo.

Exodus 9:14 (UKJV) For I will at this time send all my plagues upon yours heart, and upon your servants, and upon your people; that you may know that there is none like me in all the earth.

12Ngunit pinatigas ng Panginoon ang puso ng Faraon, at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon kay Moises.

13Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bumangon ka nang maaga bukas at puntahan mo ang Faraon, at sabihin sa kanya, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng mga Hebreo: Paalisin mo ang aking mga mamamayan upang makasamba sila sa akin.

14Dahil kung hindi, magpapadala ako ng matinding salot na magpaparusa sa iyo, sa mga opisyal at mga mamamayan mo upang malaman mo na wala akong katulad sa buong mundo.

15Kahit noon pa, kaya na kitang patayin pati na ang mga mamamayan mo sa pamamagitan ng karamdaman, at wala na sana kayo ngayon.

16Ngunit pinayagan kitang mabuhay dahil dito: upang makita mo ang kapangyarihan ko at upang makilala ang pangalan ko sa buong mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.