Exodus 9

Ngunit pinayagan kitang mabuhay dahil dito: upang makita mo ang kapangyarihan ko at upang makilala ang pangalan ko sa buong mundo.

Exodus 9:16 (UKJV) And in very deed for this cause have I raised you up, in order to show in you my power; and that my name may be declared throughout all the earth.

14Dahil kung hindi, magpapadala ako ng matinding salot na magpaparusa sa iyo, sa mga opisyal at mga mamamayan mo upang malaman mo na wala akong katulad sa buong mundo.

15Kahit noon pa, kaya na kitang patayin pati na ang mga mamamayan mo sa pamamagitan ng karamdaman, at wala na sana kayo ngayon.

16Ngunit pinayagan kitang mabuhay dahil dito: upang makita mo ang kapangyarihan ko at upang makilala ang pangalan ko sa buong mundo.

17Ngunit nagyayabang ka pa rin sa aking mga mamamayan, at hindi mo pa rin sila pinapayagang umalis.

18Kaya bukas, sa ganito ring oras, magpapaulan ako ng mga yelong parang bato, at ang lakas ng pagbagsak nitoʼy hindi pa nararanasan ng Ehipto mula nang maging bansa ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.