Exodus 9

Sumagot si Moises, “Kapag nakalabas na ako ng lungsod, itataas ko ang aking kamay sa Panginoon upang manalangin. At titigil ang kulog at hindi na uulan ng yelo, upang malaman mo na pag-aari ng Panginoon ang mundo.

Exodus 9:29 (UKJV) And Moses said unto him, As soon as I am gone out of the city, I will spread abroad my hands unto the LORD; and the thunder shall cease, neither shall there be any more hail; that you may know how that the earth is the LORD's.

27Ipinatawag ng Faraon sila Moises at Aaron. Sinabi niya sa kanila, “Sa pagkakataong ito, inaamin ko na nagkasala ako. Tama ang Panginoon, at ako at ang aking mga mamamayan ang mali.

28Pakiusapan ninyo ang Panginoon na itigil na niya ang matinding kulog na ito at ang pag-ulan ng yelo. Paaalisin ko na kayo, hindi na kayo dapat pang manatili rito.”

29Sumagot si Moises, “Kapag nakalabas na ako ng lungsod, itataas ko ang aking kamay sa Panginoon upang manalangin. At titigil ang kulog at hindi na uulan ng yelo, upang malaman mo na pag-aari ng Panginoon ang mundo.

30Ngunit alam kong ikaw at ang mga opisyal mo ay hindi pa rin natatakot sa Panginoong Diyos.”

31(Nasira ang mga halamang ginagawang telang lino at sebada, dahil aanihin na noon ang sebada at namumulaklak na ang mga halamang ginagawang lino.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.