31(Nasira ang mga halamang ginagawang telang lino at sebada, dahil aanihin na noon ang sebada at namumulaklak na ang mga halamang ginagawang lino.
32Ngunit hindi nasira ang trigo at espelta dahil hindi pa aanihin ang mga ito.)
33Umalis si Moises sa harapan ng Faraon at lumabas ng lungsod. Itinaas niya ang kanyang kamay sa Panginoon upang manalangin at huminto ang kulog, ang pag-ulan ng yelong parang bato at ang ulan.
34Pagkakita ng Faraon na huminto na ang ulan, ang yelo at ang kulog, muli siyang nagkasala. Nagmatigas siya at ang kanyang mga opisyal.
35Sa pagmamatigas niya, hindi niya pinaalis ang mga Israelita, gaya ng sinabi ng Panginoon kay Moises.