14Ang mga buháy na nilalang na itoʼy nagpaparooʼt parito na kasimbilis ng kidlat.
15Habang nakatingin ako sa apat na buháy na nilalang, nakita kong ang bawat isa sa kanila ay may gulong sa ilalim. Ang apat na gulong ay nakasayad sa lupa.
16Ganito ang anyo ng mga gulong: Kumikislap ang mga ito na parang mamahaling bato at magkakapareho ang kanilang anyo. Ang bawat gulong ay may isa pang gulong sa loob na nakakrus.
17Kaya nakakapunta ang mga gulong na ito at ang mga buháy na nilalang kahit saang direksyon nang hindi na kailangang bumaling pa.
18Ang gilid ng mga gulong ay malapad at nakakatakot dahil puno ng mga mata.