20Ang espiritu ng apat na buháy na nilalang ay nasa gulong. Kaya saan man pumunta ang espiritu, doon din pumupunta ang apat na buháy na nilalang at ang mga gulong.
21Kapag lumakad ang mga buháy na nilalang, kasama rin ang mga gulong. Kapag tumigil sila, tumitigil din ang mga ito. At kapag lumipad sila, lumilipad din ang mga gulong dahil ang espiritu nila ay nasa gulong.
22Sa itaas ng ulo ng mga buháy na nilalang ay may nakatabon na tila kristal na nakakasilaw at kahanga-hangang tingnan.
23Sa ilalim nito, ang dalawang pakpak ng bawat buháy na nilalang ay nakatuwid, at nagpapang-abot ang dulo ng mga pakpak ng bawat isa. Ang dalawang pakpak naman nila ay tumatakip sa kanilang katawan.
24Kapag lumipad sila, ang pagaspas ng mga pakpak nila ay parang ugong ng rumaragasang tubig o kayaʼy parang tinig ng Diyos na Makapangyarihan o ingay ng napakaraming hukbo. At kapag tumigil sila, ibinababa nila ang kanilang pakpak.