24Kapag lumipad sila, ang pagaspas ng mga pakpak nila ay parang ugong ng rumaragasang tubig o kayaʼy parang tinig ng Diyos na Makapangyarihan o ingay ng napakaraming hukbo. At kapag tumigil sila, ibinababa nila ang kanilang pakpak.
25Habang nakababa ang kanilang mga pakpak, may tinig na nagmumula sa itaas nila.
26Sa ibabaw nila ay may tila tronong gawa sa mga batong safiro at may parang tao sa tronong iyon.
27Mula baywang pataas para siyang nagniningning na metal, at mula sa kanyang baywang pababa para siyang apoy na nagliliyab at napapalibutan ng nakakasilaw na liwanag.
28Ang liwanag na iyon sa paligid niya ay parang bahaghari pagkatapos ng ulan. Ganoon ang makapangyarihang presensya ng Panginoon. At nang makita ko iyon, lumuhod ako at narinig kong may tinig na nagsasalita sa akin.