6pero bawat isa sa kanila ay may apat na mukha at apat na pakpak.
7Tuwid ang kanilang mga binti at ang kanilang mga paaʼy parang paa ng baka, at kumikinang na parang tansong pinakintab.
8May mga kamay silang katulad ng kamay ng tao na nasa ilalim ng kanilang mga pakpak. At silang apat ay may mga mukha at pakpak.
9Magkakadikit ang kanilang mga pakpak. Kapag gumagalaw sila, hindi sila lumilingon ngunit dumidiretso sila nang sabay-sabay saanman.
10Ang bawat isa ay may mukha ng tao sa harap; sa kanan ay may mukha ng leon; sa kaliwa ay may mukha ng toro at sa likod ay may mukha ng agila.