8May mga kamay silang katulad ng kamay ng tao na nasa ilalim ng kanilang mga pakpak. At silang apat ay may mga mukha at pakpak.
9Magkakadikit ang kanilang mga pakpak. Kapag gumagalaw sila, hindi sila lumilingon ngunit dumidiretso sila nang sabay-sabay saanman.
10Ang bawat isa ay may mukha ng tao sa harap; sa kanan ay may mukha ng leon; sa kaliwa ay may mukha ng toro at sa likod ay may mukha ng agila.
11Ang dalawa sa mga pakpak nila ay nakabuka pataas at magkadikit ang mga dulo, at ang dalawa pa nilang pakpak ay nakatakip sa kanilang katawan.
12Dumidiretso sila nang sabay-sabay saanman. At kung saan sila dinadala ng Espiritu, doon sila pumupunta.