Ezekiel 10

At habang nakatingin ako, lumipad ang mga kerubin kasama ang mga gulong. Tumigil sila sa silangang pintuan ng Templo ng Panginoon at ang makapangyarihang presensya ng Diyos ng Israel ay nasa itaas nila.

Ezekiel 10:19 (UKJV) And the cherubims lifted up their wings, and mounted up from the earth in my sight: when they went out, the wheels also were beside them, and every one stood at the door of the east gate of the LORD's house; and the glory of the God of Israel was over them above.

17Kapag tumigil sila, tumitigil din ang mga gulong at kapag umangat sila, umaangat din ang mga gulong, dahil ang espiritu ng mga nilalang ay nasa gulong din.

18Pagkatapos, ang makapangyarihang presensya ng Panginoon ay umalis sa pintuan ng Templo at lumipat sa itaas ng mga kerubin.

19At habang nakatingin ako, lumipad ang mga kerubin kasama ang mga gulong. Tumigil sila sa silangang pintuan ng Templo ng Panginoon at ang makapangyarihang presensya ng Diyos ng Israel ay nasa itaas nila.

20Iyon ang mga buháy na nilalang na nakita ko roon sa ilalim ng presensya ng Diyos ng Israel doon sa Ilog ng Kebar. At nalaman ko na ang mga nilalang na ito ay mga kerubin.

21Ang bawat isa sa kanila ay may apat na mukha, apat na pakpak at sa ilalim ng kanilang pakpak ay may parang kamay ng tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.