Ezekiel 10

Kapag tumigil sila, tumitigil din ang mga gulong at kapag umangat sila, umaangat din ang mga gulong, dahil ang espiritu ng mga nilalang ay nasa gulong din.

Ezekiel 10:17 (UKJV) When they stood, these stood; and when they were lifted up, these lifted up themselves also: for the spirit of the living creature was in them.

15Pagkatapos, pumaitaas ang mga kerubin. Ito ang mga buháy na nilalang na nakita ko roon sa Ilog ng Kebar.

16Kapag lumalakad ang mga kerubin, sumasama sa kanila ang mga gulong na nasa gilid at kapag lumilipad sila, kasama rin ang mga gulong.

17Kapag tumigil sila, tumitigil din ang mga gulong at kapag umangat sila, umaangat din ang mga gulong, dahil ang espiritu ng mga nilalang ay nasa gulong din.

18Pagkatapos, ang makapangyarihang presensya ng Panginoon ay umalis sa pintuan ng Templo at lumipat sa itaas ng mga kerubin.

19At habang nakatingin ako, lumipad ang mga kerubin kasama ang mga gulong. Tumigil sila sa silangang pintuan ng Templo ng Panginoon at ang makapangyarihang presensya ng Diyos ng Israel ay nasa itaas nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.