14Ang bawat kerubin ay may apat na mukha: mukha ng kerubin, ng tao, ng leon at ng agila.
15Pagkatapos, pumaitaas ang mga kerubin. Ito ang mga buháy na nilalang na nakita ko roon sa Ilog ng Kebar.
16Kapag lumalakad ang mga kerubin, sumasama sa kanila ang mga gulong na nasa gilid at kapag lumilipad sila, kasama rin ang mga gulong.
17Kapag tumigil sila, tumitigil din ang mga gulong at kapag umangat sila, umaangat din ang mga gulong, dahil ang espiritu ng mga nilalang ay nasa gulong din.
18Pagkatapos, ang makapangyarihang presensya ng Panginoon ay umalis sa pintuan ng Templo at lumipat sa itaas ng mga kerubin.