Ezekiel 10

Sinabi ng Panginoon sa taong nakadamit ng lino, “Pumunta ka sa gitna ng mga gulong sa ilalim ng mga kerubin at punuin mo ang mga kamay mo ng baga at isabog mo sa buong lungsod.” At nakita kong pumunta siya.

Ezekiel 10:2 (UKJV) And he spoke unto the man clothed with linen, and said, Go in between the wheels, even under the cherub, and fill yours hand with coals of fire from between the cherubims, and scatter them over the city. And he went in in my sight.

1Habang nakatingin ako, may nakita akong parang isang trono na yari sa batong safiro. Nasa itaas ito ng takip na kristal sa itaas ng ulo ng mga kerubin.

2Sinabi ng Panginoon sa taong nakadamit ng lino, “Pumunta ka sa gitna ng mga gulong sa ilalim ng mga kerubin at punuin mo ang mga kamay mo ng baga at isabog mo sa buong lungsod.” At nakita kong pumunta siya.

3Ang mga kerubin ay nakatayo sa timog ng Templo nang pumunta ang tao at may ulap na lumukob doon sa bakuran sa loob ng Templo.

4Pagkatapos, umalis ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa gitna ng mga kerubin at lumipat sa pintuan ng Templo. Nilukuban ng ulap ang Templo at lumiwanag ang bakuran dahil sa makapangyarihang presensya ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.