2Sinabi ng Panginoon sa taong nakadamit ng lino, “Pumunta ka sa gitna ng mga gulong sa ilalim ng mga kerubin at punuin mo ang mga kamay mo ng baga at isabog mo sa buong lungsod.” At nakita kong pumunta siya.
3Ang mga kerubin ay nakatayo sa timog ng Templo nang pumunta ang tao at may ulap na lumukob doon sa bakuran sa loob ng Templo.
4Pagkatapos, umalis ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa gitna ng mga kerubin at lumipat sa pintuan ng Templo. Nilukuban ng ulap ang Templo at lumiwanag ang bakuran dahil sa makapangyarihang presensya ng Panginoon.
5Ang pagaspas ng pakpak ng mga kerubin ay naririnig hanggang sa bakuran sa labas tulad ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan.
6Nang utusan ng Panginoon ang taong nakadamit ng lino na kumuha ng baga sa gitna ng mga gulong sa ilalim ng mga kerubin, pumasok siya sa Templo at tumayo sa tabi ng gulong.