Ezekiel 10

Nang utusan ng Panginoon ang taong nakadamit ng lino na kumuha ng baga sa gitna ng mga gulong sa ilalim ng mga kerubin, pumasok siya sa Templo at tumayo sa tabi ng gulong.

Ezekiel 10:6 (UKJV) And it came to pass, that when he had commanded the man clothed with linen, saying, Take fire from between the wheels, from between the cherubims; then he went in, and stood beside the wheels.

4Pagkatapos, umalis ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa gitna ng mga kerubin at lumipat sa pintuan ng Templo. Nilukuban ng ulap ang Templo at lumiwanag ang bakuran dahil sa makapangyarihang presensya ng Panginoon.

5Ang pagaspas ng pakpak ng mga kerubin ay naririnig hanggang sa bakuran sa labas tulad ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan.

6Nang utusan ng Panginoon ang taong nakadamit ng lino na kumuha ng baga sa gitna ng mga gulong sa ilalim ng mga kerubin, pumasok siya sa Templo at tumayo sa tabi ng gulong.

7Pagkatapos, isa sa mga kerubin ang kumuha ng baga sa apoy at inilagay sa kamay ng taong nakadamit ng lino. Dinala ito ng tao at lumabas.

8Ang bawat kerubin ay parang may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang pakpak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.