Ezekiel 10

Pagkatapos, isa sa mga kerubin ang kumuha ng baga sa apoy at inilagay sa kamay ng taong nakadamit ng lino. Dinala ito ng tao at lumabas.

Ezekiel 10:7 (UKJV) And one cherub stretched forth his hand from between the cherubims unto the fire that was between the cherubims, and took thereof, and put it into the hands of him that was clothed with linen: who took it, and went out.

5Ang pagaspas ng pakpak ng mga kerubin ay naririnig hanggang sa bakuran sa labas tulad ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan.

6Nang utusan ng Panginoon ang taong nakadamit ng lino na kumuha ng baga sa gitna ng mga gulong sa ilalim ng mga kerubin, pumasok siya sa Templo at tumayo sa tabi ng gulong.

7Pagkatapos, isa sa mga kerubin ang kumuha ng baga sa apoy at inilagay sa kamay ng taong nakadamit ng lino. Dinala ito ng tao at lumabas.

8Ang bawat kerubin ay parang may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang pakpak.

9May nakita akong apat na gulong sa gilid ng apat na kerubin. Kumikislap na parang mamahalin na batong krisolito

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.