Ezekiel 11

Habang sinasabi ko ang ipinasasabi ng Diyos, namatay si Pelatia na anak ni Benaias. Nagpatirapa ako at sumigaw, “O Makapangyarihang Panginoon, uubusin ba ninyo ang lahat ng natitirang mga Israelita?”

Ezekiel 11:13 (UKJV) And it came to pass, when I prophesied, that Pelatiah the son of Benaiah died. Then fell I down upon my face, and cried with a loud voice, and said, Ah Lord GOD! will you make a full end of the remnant of Israel?

11Ang lungsod na itoʼy hindi magiging tulad ng kaldero para sa inyo, at kayoʼy hindi magiging tulad ng karne sa loob nito. Sapagkat hahatulan ko kayo hanggang sa hangganan ng Israel.

12At malalaman ninyo na ako ang Panginoon. Gagawin ko ito dahil hindi ninyo sinunod ang mga utos at tuntunin ko. Sa halip, sinunod ninyo ang tuntunin ng ibang bansa sa palibot ninyo.”

13Habang sinasabi ko ang ipinasasabi ng Diyos, namatay si Pelatia na anak ni Benaias. Nagpatirapa ako at sumigaw, “O Makapangyarihang Panginoon, uubusin ba ninyo ang lahat ng natitirang mga Israelita?”

14Sinabi sa akin ng Panginoon,

15“Anak ng tao, ang mga natitira sa Jerusalem ay nagsabi ng ganito tungkol sa kapwa nila Israelitang binihag: ‘Malayo sila sa Panginoon, kaya sa atin na ibinigay ng Panginoon ang lupaing ito.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.