13Habang sinasabi ko ang ipinasasabi ng Diyos, namatay si Pelatia na anak ni Benaias. Nagpatirapa ako at sumigaw, “O Makapangyarihang Panginoon, uubusin ba ninyo ang lahat ng natitirang mga Israelita?”
14Sinabi sa akin ng Panginoon,
15“Anak ng tao, ang mga natitira sa Jerusalem ay nagsabi ng ganito tungkol sa kapwa nila Israelitang binihag: ‘Malayo sila sa Panginoon, kaya sa atin na ibinigay ng Panginoon ang lupaing ito.’
16“Kaya sabihin mo sa mga kasamahan mong bihag na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi ‘Kahit ipinabihag ko kayo at ipinangalat sa ibaʼt ibang bansa, kasama nʼyo pa rin ako sa mga lugar na iyon.
17Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing muli ko kayong titipunin mula sa mga bansa kung saan kayo nangalat at ibibigay kong muli sa inyo ang lupain ng Israel.