Ezekiel 11

Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing muli ko kayong titipunin mula sa mga bansa kung saan kayo nangalat at ibibigay kong muli sa inyo ang lupain ng Israel.

Ezekiel 11:17 (UKJV) Therefore say, Thus says the Lord GOD; I will even gather you from the people, and assemble you out of the countries where all of you have been scattered, and I will give you the land of Israel.

15“Anak ng tao, ang mga natitira sa Jerusalem ay nagsabi ng ganito tungkol sa kapwa nila Israelitang binihag: ‘Malayo sila sa Panginoon, kaya sa atin na ibinigay ng Panginoon ang lupaing ito.’

16“Kaya sabihin mo sa mga kasamahan mong bihag na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi ‘Kahit ipinabihag ko kayo at ipinangalat sa ibaʼt ibang bansa, kasama nʼyo pa rin ako sa mga lugar na iyon.

17Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabing muli ko kayong titipunin mula sa mga bansa kung saan kayo nangalat at ibibigay kong muli sa inyo ang lupain ng Israel.

18At sa inyong pagbabalik, alisin ninyo ang lahat ng kasuklam-suklam na diyos-diyosan.

19Babaguhin ko ang inyong puso at pag-iisip nang hindi na kayo maging masuwayin kundi maging masunurin at tapat sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.